Sir JojoD, update mo kami sa resulta ng tweaks mo sa CDP. Kasi may nakita ako dito sa Davao na 701XD surplus pero nung ipa-test ko last week, ikot lang ng ikot ayaw magbasa kahit nilinis na ng husto ang lens. Tsaka nagluluko na ang tray pero malamang sa belt lang ng motor yun. Balak ko tawaran ng P200 to P500, tapos kalikutin ko na rin. Kung hindi ko kaya patakbuhin, at least may spare parts kayo dito for your surplus Onkyo CDPs. May tumawag sa akin dito from the Jap warehouses on Friday morning may mga dumating na containers, ang gaganda ng laman na amps and CDs (champagned-colored with wooden side panels) plus iMacs (P6K each) pero hindi pa nababa meron na raw may-ari. Baka mga taga Pier dyan sa Maynila ang pumakyaw dito.