busy ako mga sir, kaya hindi ako puwedeng mangako sa inyo, tsaka hindi ako ganun kabait, he-he-he. sayang, mukhang wala akong official trip sa Maynila hanggang yearend, puro ikot Mindanao lang. may tatlo pa naman akong Sony CDP 502ES na idadaan ko sana kay JojoD para matambakan siya ng kakalikutin (may 6 pa akong reserbang CDPs - ibang models and brands - pero hindi ko pakakawalan itong mga 'to.)
ang problema kasi, lahat ng magagandang models mabibigat - more than 10kgs - kaya kung ipapadala natin sa freight baka ganun din sa presyo dyan ang lumabas. tsaka yung presyo dito "as is", in other words, hindi mo alam kung gumagana ang mabibili mo. sa experience ko 90% naman okey, o kunting kalikot lang.
kaya kung yung mga traders sa Pier diyan roughly P1.5K ang presyo ng CDP, okey na yan, para may konti silang kita, kasi nagbabayad din sila ng technician at puwesto para siguraduhin na okey yung bibilhin ninyo. over P2K, overpriced na yan, dahil most likely, P500 lang ang bili nila per CDP.