^ kadiri si Romeo, can't stop shaking my head when I saw that vid. kahit sa larong kalye di ko pa nakitang ginawa yun tsk tsk
hindi mo makikitang gawin yan ng mga dayo. ang home team ang karaniwang gagawa niyan sa larong kalye.
luma nang "dirty tactics" yang paggamit ng dura. mababaw pa nga yan kasi sa kamay lang. pero sabi nga ni Romeo e pawis lang naman.
parang nakalimutan na ang "freedom of spits" na litrato ng pagdura ni Onchie dela Cruz sa mukha ni Wes Matthews na import ng Ginebra. Si Dionisio ng Crispa, kung tama ang aking pagkakaalala ay isa rin sa kilalang nandudura. ginawa na rin yan ng isa sa mga bringas brothers. nahuli nga lang.
mabuti nga kung dura lang kasi pwede mong punasan at iligo pagkatapos ng laban. ang mahirap ay yung tirahin, sahurin, sikuhin, sundutin sa mata, iwan sa ere na maaaring mauwi sa pagkabalda.
maaaring sabihin na walang lugar sa sports ang ganyang mga pamamaraan. maaaring sabihing unti-unti nang nawawala ang mga ganyang pamamaraan. pero siguradong hahanap at hahanap ng ibang paraan para manggulang