Yes, that will work.
Pero walang improvement yan, kasi
passive bi-amping lang yan. Magkakaroon lang ng improvement kung
active bi-amping ang setup.
Active bi-amping is the true bi-amping setup.
Sa active bi-amping, ang line signal ay dumadaan sa external crossover bago dumating sa amp. Yan ang true bi-amping, kasi yung filter ay nasa line-level signal ("active crossover").
Eto ang tamang connection:
Ang problema mo ngayon, paano kang makakatiyak kung tama ba ang design at kung matching ba sa system mo ang external crossover na ikakabit mo? Alam mo ang sensitivity rating ng speaker set, pero ano ang sensitivity ng bawa't isang driver sa loob? Kailangan mo ba ng equipment para masukat ang mga frequencies? Tatanggalin mo ba ang internal crossover ng speaker set para maiwasan ang double filtering?
Sakit lang ng ulo ang mga bi-amping na yan. Ang advice ko, basta ikonekta mo na lang nang normal ang amp sa speaker, hindi ka pa tatanda nang maaga.
Ang tendency kasi ng mga manufacturers ay gumawa ng bi-wirable speakers, kasi mas mabenta pag may bi-wiring capability. Ang tendency naman ng consumers, pag nakita nila na may bi-wiring capability ang nabiling speakers, gusto nilang mag bi-wire or bi-amp, para ma-maximize ang gamit ng features. Sayang naman kasi kung may ganoong feature, tapos hindi naman nagagamit.
Bi-Amping: Pleasure or Pain?
http://www.gcaudio.com/resources/howtos/biamping.html