Hello guys! Sinusubaybayan ko ang thread na ito the past few weeks.. naintriga talaga ako sa speakers na ito.. Madami sana ako tanong at sana ok lamang..
Balak ko kase kumuha. Di ako nakahabol sa group buy last time. Sayang!
Angkop din ba sa SS itong speakers na ito? ie: NAD amps?
Hindi ako makapagdecide kung anong size ang gusto ko umpisahan. 6.5" or 8", supercast, classic, o steel frame.
Budget ko di sana lalagpas dun sa presyo ng 6.5" Classic at 8" Cast Frame. Malaki ba difference sa SQ between Classic at Cast Frame?
Isa din problema kase yung size at bigat. Ipapadala ko yung bibilhin ko na drivers sa Pinas at Dadalhin ko pabalik dito sa Iran. Malaki ba ang difference ng 6.5" sa 8" sa weight at dimension? Dito ko na balak magpagawa ng cabinet. Ok ba ang AN ser sa iba't ibang klase ng Genre? Tulad ng Indie-pop/rock, 80's indie, Jazz-funk/soul, 60's-70's pop? Ubra kaya itong speakers na ito sa pinapakinggan ko?
Ano pa pala kakailanganin ko para mabuo ko itong speakers?
Pasensya na. newbie lamang. Hehe
Salamat sa inyo!!!