bakit ba tayo nagagalit pag sinasabihan ang idol natin na buhaya, unggoy, at kung anu-ano pang masasakit na salita, sila nga ok lang masabihan ng ganun pero tayong mga fans nakikipag-away pa para lang maipagtanggol natin sila, bakit alam ba nila na pinagtatanggol natin sila? hindi naman di ba? madami kasi sa atin ay pikon, kala natin pinapasahod tayo ng mga idol natin para pagtanggol sila. chaka sa tingin ba natin kung malalaman nila na nag-aaway-away tayo para lang mapagtanggol matutuwa kaya sila sa ganun?sila sa loob ng court lang sila magkaka-away pero sa labas magkakaibigan na sila, trabaho lang walang personalan ika nga, pero trabaho ba natin makipag-talo sa isa't-isa?lahat tayo may kanya-kanyang opinyon,kaya kung anuman ang lumabas sa bibig natin tama yun para sa atin at maaaring mali naman sa iba, kaya sana wag naman sana natin damdamin ng husto kung masakit ang maririnig o mababasa natin. kaya madami sa atin nag-aaway dahil lang sa mga walang kwenta reasons. ipapahamak lang natin ang sarili natin kung hindi natin iintindihin ang bawat isa.
ano naman kung may masabi syang hindi maganda sa idol mo, intindihin mo na lang, kasi hindi naman magsasabi ng masama ang isang tao kung idol niya ang pinag-uusapan, tumahimik na lang din kasi pag walang magandang sasabihin or kung hindi talaga mapipigilan (kasi makukulit talaga ang mga tao dito sa atin), wag na lang pansinin para hindi na humaba pa at para hindi na din mawala sa topic ang pag-uusapan, nakakahiya naman kasi sa gumawa ng thread na to, tandaan ginawa ito para may mapag-usapan pa din tayo kahit offseason na, hindi para humaba ang thread dahil lang sa pagtatalo.
PEACE para sa lahat.
#3PeatLBJ