Thank you very much Atty. Bro. barrister for those valuable insights. Pag-aralan ko mabuti yan. Hehe! Alam mo naman ako, mabagal ako sa study because madaming iniintindi. Hehe!
Ewan ko lang kung matatanggap mo yon sir... ang alam ko, kontra yon sa teachings sa inyo.
@barrister : regarding the tithes and giving... you are right... it should not be imposed... members must not be required to give ... BUT a pastor/minister/priest must teach their member how to give... without money that church will not grow...
Tama yon sir. Kailangan talaga ng collections.
Si Pablo ay may collections din:
Now about the collection for the Lord’s people: Do what I told the Galatian churches to do. 2 On the first day of every week, each one of you should set aside a sum of money in keeping with your income, saving it up, so that when I come no collections will have to be made. (1 Cor. 16:1-2) Pero hindi 10% yon.
Walang fixed percentage. Bahala na sila sa amount, "in keeping with their income."
regarding naman sa pagiging Pastor and working at the same time... what i mean is business not entirely "not working"...
i applied that "ang hindi gumawa ay huwag kumain" in terms of a Pastor work... i always see a Pastor's work as "fulltime"... those who lead a flock and at the same have a business of his own for me is not an ideal image of a pastor... maiintindihan ko kapag nagsisimula pa lang o missionary pastor ka pa lang sa isang lugar still kakaunti pa lang ang members and members offerings is not enough to maintain church daily expenses ...medyo maiintindihan kung ang isang Pastor ay magtrabao matustusan lang ang pagkukulang...
but for me the main work of a fulltime Pastor is to lead people to God first and foremost... now if a Pastor didnt do his work - leading people to God - then wala talaga siyang makakain... walang miyembro na magbibigay ng offering...
Ok ang full time pastor na walang ibang trabaho. Hindi bawal yon.
Puwede mong sabihin na mas buo ang attention niya sa gawain pag walang distraction. Tama rin yon.
Ang hindi lang tama, yung pagbawalan siyang magtrabaho ng iba.
Ang sinasabing huwag kumain ang ayaw magtrabaho, yung miyembro, hindi yung ministro. Ang ministro ay may karapatang kumuha ng kakainin sa abuloy. Pero yung miyembrong tamad, hindi dapat kumuha ng kakainin sa abuloy ng ibang miyembro.
ang tao kasi takot idea ng "giving", "offering"... allergic tayo sa term na ganito... na kapag ang isang simbahan nagtuturo ng ganito akala natin ay scam na lahat ng religion na nagtuturo ng "giving/offering". walang simbahan ngayon na mabubuhay kung ang miyembro nito ay hindi nagbibigay o kung ang pastor ay hindi itinuturo ang pagbibigay.
Tama na naman. No church will survive without contributions.
Ang tao, pag nakarinig ng contributions, corruption agad ang naiisip. Pero hindi naman puwede kung walang contributions.
Madalas lang maabuso yon.
Parang si Mike Velarde. Katoliko daw ang El Shaddai. Pero walang ikapu ang Katoliko, siya meron
.
Wala namang naitayo kahit isang kapilya. Pag umulan, siya may bubong sa grandstand, yung miyembro walang bubong. Sasabihin pa, huwag magpayong kasi grasya daw ng Diyos ang ulan, kaya sabi pa niya sa miyembro: "Baliktarin ang payong!" para daw masahod ang grasya. Yung mga uto-uto, binabaliktad nga ang mga payong.
Ang gusto ni Velarde, sa Quirino Grandstand lang ang pulong, kahit puwede namang may kanya-kanyang lokal. Bakit? Para centralized ang collection, hindi nadudugasan sa lokal.
Ayun, sa dami ng collection, hirap na hirap namang bilangin ang pera. Balita ko, sako-sako ang perang nakokoleta, eto na ang next Sunday, hindi pa natatapos bilangin yung previous Sunday's collection.
Yun ay noong kalakasan pa ng El Shaddai. Mahina na yata ngayon.