question lang po. P895 ata price nya sa astro vision. DTS po ba ito?
is this better than the single disc?
salamats.
Single disc ang R1 - hindi pa kasi uso noon ang double disc.
Double Disc naman ang R3 dahil common na ang double disc release nang naglabas sila ng R3 version.
Single Disc R1 ang sa akin from PARC. Ang alam ko, halos pareho lang ang content ng dalawang versions. Sa kaso ng double disc, nasa disc 1 ang movie at nilipat lang nila sa disc 2 ang features.
Meron talagang DTS version nito. Ang totoo, mainit na mainit nga ang nakakasawang DD vs. DTS debate nang nilabas ang DTS version.
Some criticisms on the DTS version:
1. Konti lang ang special features dahil hindi kasya sa disc.
2. Dating pinagmamalaki ng DTS ang high bit-rate nila na 1536k, pero ni-release naman nila ang Saving Private Ryan sa 768k rate (This was the first DTS title released at 768k, at wala na yatang 1536k ngayon).
Nang lumabas ang Gladiator, pinakita ng DreamWorks na puwede naman palang mag-release sa double disc ng DD-EX and DTS-ES na, loaded with features pa.