For RCBC CC pala yung promo price of 25k 12 mos. for other CC SRP
.
Yung D2700 nalang ang na-testing ko sa ibang store, with Gravity movie (1080p 7GB file), mas mura kasi. Binabaan ko yung settings nila dun, ginawa kong 45 brightness, contrast 80, pero iniwan ko na yung sharpness sa 50. Somehow, parang hindi ko nagustuhan, parang grainy or baka mataas pa yung sharpness, and yung white medyo greenish.
Pero mag try pa ako sa ibang store, bigyan ko pa ng chance.
Update: nakapag test ulit ako sa ibang store, TCL 48D2700, pina set ko sa standard yung picture, ok naman ang result, hindi greenish yung white, ok ang PQ. Baka defective na yung demo unit sa unang store na napuntahan ko. Nag try din ako with the same movie file sa 50" Haier and 50" Skyworth. Mas gusto ko PQ ng TCL.
For the price, ok na rin.