naka bili na din ako sa olx seller and no issues, last 3 years pa yun. nagpunta akong cash&carry, mineet si olx seller sa ansons, then demo ng tv na biblihin ko, payment sa mismong cashier ni ansons. parang middle man nga lang si olx seller kasi hindi naman ako nagbigay sa kanya kahit magkano. pero pag dumirect ka sa ansons, hindi mo makukuha yung same price na binibigay ni olx seller, medyo weird nga eh.
last year naman, bumili ako ng 32" tv sa ansons cainta since mas malapit kame dito kesa sa makati, ayaw akong bigyan ng matinding discount kahit cash payment. so ginawa ko pinakita ko yung price galing sa olx, nagawa naman nilang tapatan yung price.