ANG PINAKA:
PABORITONG NORA AUNOR MOVIES
AIRING: JULY 8, 2007
Ngayong Linggo, kakaiba na naman ang gagawing paglilista ng "Ang
Pinaka" dahil magpopokus ang programa sa makulay na filmography ng
isang walang kaparis na bituin, ang nag-iisang Superstar, at most
enduring icon ng Philippine cinema. Ililista ng natatanging listahan
ng bayan ang "Sampung Pinakapaboritong Nora Aunor Movies"!
Twelve years old pa lang si Nora Cabaltera Villamayor nang magwagi
siya sa 'Darigold Jamboree singing contest' sa Naga. Nasundan ito ng
tagumpay sa 'Tawag ng Tanghalan,' at noong 1967, matagumpay na naka-
crossover sa pelikula ang teen singing sensation. Forty years later,
namayagpag na sa radyo, musika, telebisyon, pelikula, at teatro si
Ate Guy, kung kaya't itinuturing siyang 'multimedia artist par
excellence.' Pero sa mahigit dalawang daang pelikula ni Ate Guy sa
loob ng limang dekada, alin kaya ang mapapasok sa ating listahan?
Makakasama ni Pia Guanio sa paglilista ang mga panelistang self-
confessed Noranians na sina: Filmmaker Nick de Ocampo, Entertainment
columnist Isah V. Red, TV director Khryss Adalia,
Lifestyle/entertain ment editor Ricky T. Gallardo, former GANAP
(Grand Alliance of Nora Aunor Philippines) President Mandy L. Diaz
Jr. at "Si Nora sa mga Noranian" book editor Nestor de Guzman.
Isang exciting episode ito kaya 'wag n'yong palalampasin "Ang
Sampung Pinakapaboritong Nora Aunor Movies" ngayong Linggo, July 8,
2007, sa "Ang Pinaka", 6 PM, sa QTV 11 (Channel 24 sa Sky at Home
Cable).
as posted by thirstytrooper in ICON