Celso Ad Castillo on making BURLESK QUEEN:
"Lahat ng highlights ko take one, except for that particular scene na nagbabalot iyong matanda sa likod tapos umiiyak si Vilma. It took time before they could concentrate in a place like that. Masyadong maingay at maraming sumisigaw sa Binondo. Finally when they were ready at magsisimula na ang kamera, at si Vi tumatapon na ‘yung luha, Umiiyak na ganoon, bigla may nagpatugtog ng ponograpo sa labas, so Vi got hold of iyong baso at binato sa loob.
Ang kuwarto lang kasi ang inarkila namin. Hinanap ko ang kuwartong pinagmulan ng ingay, sinuntok ko ang pinto. Iyon pala naroon si Lilibeth Perez. Siguro sabi niya, lintik pala itong si Celso. Because I always believe the first take is the best, always the best."
On Leopoldo Salcedo's death scene:
"Tuloy-tuloy ‘yun. nag-experiment ako noong una, kumuha ako ng second take, pero di ko na rin tinapos. Perfect na iyong una. Alam mo bang nang gawin namin ang eksenang iyon tatlo kaming umiiyak sa set? Ako, si Vilma, at si Leopoldo? Dalang-dala si Leopoldo sa pagsasalita ni Vilma, lumuha siya kahit patay siya dapat doon. Buti na lang di siya nakuha ng kamera.