is the tonearm, cartridge and stylus available as a set in raon?
andy, mahirap na sigurong maghanap ng tonearm set ngayon, dati kahit separates (tonearm, headshell, cartridge, stylus, anti-static mat, platter substitutes) may mabibili ka dito. kung buhay pa yung original shop ni De Guzman (Audiophile) sa Paco, o yung kay Manny Lim (Audiolab) sa Timog, baka may nakatago pang components/assemblies - pero mahal magpresyo yung mga yun.
sa Raon wala kang makikitang matinong parts ng record decks, last option lang ang mga shops dun. ang replacement stylus puro counterfeit, pero makaka tiyempo ka ng original na ipinasa daw sa kanila bago nagsara yung mga shops sa Dau. ang problema, mahina na ang kapit ng diamond sa cantilever dahil siguro sa tanda (late '70s assembled pa yung mga binebenta dito). dalawa na ang natanggal na diamond sa nabili ko dun, top Audio Technica models pa naman. buti na lang pakyawan ako bumili, two out of five ang nasayang.
kung gusto mong mag-assemble ng turntable, online ordering ang best option. i-check mo yung ebay australia, minsan may nakita akong nagbenta ng SME assembly A$20 lang ang buy-price. daming used British audio components dun na mura. kailangan lang may kilala ka sa Sydney na puwedeng bumili at magpadala sa 'yo. another way is to scout from the local market for old middle- to high-end turntable models that could be separated. makaka tiyempo ka, kaya lang it might take months. kung kailangan mo lang standard, or low-mass, headshells, meron pa akong mga extra. cartridges, dami, kaya lang kalahati wala ng stylus.