Hi guys, i need your help. Plan ko kasi mag try ng turntable setup, for the following reasons
1. Gusto ko try kung masarap ba talagang magpahinga habang nakikinig ng kanta coming from an analog source
2. Trip ko lang na parang bumalik ako sa era ng tatay ko, nung ako pa yung taga-salang nya ng plaka sa napakalaking Akai component na gamit nya dati...Hehe, bigla ko lang naalala ng ipakita sa akin ng Nanay ko ang mga luma naming plaka na nakatago, bigla ako na-curious
Kaso ang problema, newbie ako dito, as in wala talago akong alam
...
Kaya sana masagot nyo ako sa mga tanong kong ito
1. For an entry level TT, mga magkano yung price nya? I've seen some 2nd hand TT sa Makati Cinema square worth around 5k - 6k? Mas ok ba yun? Yung brand new na entry level, mga magkano?
2. Kung brand new bibilhin ko, ano tatak yung maganda? which store kaya meron?
3. Kelangan ko ba bumili ng amplifier? O pwede ko bang gamitin na lang yung HK335 na receiver ko? Kung bibili ako, ok na ba yung mga surplus Amps?
4. After kong makabili ng TT, ano ano yung dapat kong gawin upon installation, may calibration pa ba ako dapat gawin?
5. Ano ano maintenance ng TT?
madami pa akong tanong, pero eto na lang muna.. saka na lang pag nakabili na ako ng TT... sana matulungan nyo ako...
salamat!!!