Gandang Gabi po sir Vic,
Hihingi lang po sana ako ng advice or tips po sa pagbili ng TV.
First time ko po sana bibili ng 32 LCD TV. Gusto ko na po kasi pag pahingahin yung CRT TV namin.
Wala po ako idea sa mga specs ng LCD TV. Basta okay na po sa pamilya ko yung makanuod ng local channel po gaya ng channel 2 , 5 at 7 po. At simpleng manuod lang din ng movies.
Saktuhan lang po budget namin,kaya sinisigurado ko po na maganda at quality po yung mabibili ko kahit LCD TV lang. kasi pagkaka-alam ko po LED TV daw po ang mas maganda. pero wala naman po ako budget sa ganoon kamahal na TV. Hirap kumita ng pera po sa ngayon. at yung pwede po mag play ng movies via USB po para hindi na ako bibili ng other player po.
Heto po yung pinagpipilian ko po na LCD TV po:
-Toshiba REGZA 32PB2E
-LG 32LK310
-Panasonic VIERA TH-L32C4X
Alin po kaya dyan ang swak sa amin na manunuod lang ng local tv at movies? sana matulungan po ninyo ako. balak ko po bumili sa katapusan po ng isa.
Maraming salamat po! naway masagot po ninyo ang aking mga tanong at pasensya na po at mahaba.
Paki PM na din po ako ng Last price po ng 3 LCD TV's na yan po? bigyan niyo po sana ako ng special discount.
More power po sa inyo!