Wow! napaka high standard pala nang mga pinoydvd members! aldub bakya!? wally bakya?! TVJ bakya?! sa kabilang station meron din naman mga bakya ah! Bakla pa nga yung isa!
oo nga naman sayang naman yung mamahalin mong LED TV at HT kung local stations ang papanoorin mo, bakya nga kasi.
Ba't di ka nalang kaya umalis nang Pinas? tutal hindi naman ata kayo kailangan nang bayan, baka nga half-half ka pa, at nagpapayaman lang sa pinas o feeling mayaman lang?!
Pero nang dahil sa mga bakyang programa na yan may napag uusapan tayo diba? nag bigay ka pa nga nang konting time at data bandwidth nang net mo nung nag post ka dito eh, diba? At dahil din sa mga bakyang programa na yan nakalimutan mo ang pinag aralan mo, hindi naman sila ang may kasalanan kung bakit hindi maunlad ang bansa natin? diba? ang mga politiko ang may kasalanan! diba? baka nga yung ibang politiko na dahilan nang kahirapan eh kamag-anak nung mga iba diyan.
Kaya meron bakya programs at bakya crowd ay dahil masnakakarami ang mahirap kaysa mayaman sa Pinas, at hindi dahil sa isa kayo sa mayayaman (o mayayabang) eh, maari nyo nang lait-laitin ang mahihirap (bakya). At dahil din sa bakya crowd, yumaman ang mga idolo niyong artista at programa.
Baka nasosobrahan na kayo sa mga Bluray Hollywood Movies kaya di nyo na ma-appreciate ang simple bakya love story o comedy!
Wow! Ang lalabo nyo naman! Di na kayo maabot! (speaking ala babalu)
BABALA! (asawa ni... BABALU!) wag magpakalasing sa kasosyalan.... kung di mo matiis... umalis ka nang bansa... di ka naman kawalan siguro!