Eto na mga takeaway ko
1. Legit pala ang Los Angeles Wolves este Minnesota Timberwolves, akala ko pang regular games lang sila lalo na si KAT
2. Si Gru nag ala Steph Curry he took 10 three-point shots, hindi naman sya known to take those shots. Anyway, pwede na ulit sya bumalik sa karera ng kabayo which he loves.
3. Si playoff Murray okay naman laro kanina, hindi naman siguro injured.
3. Si MPJ, deym bakit ganun, nung Lakers kalaban napaka sure ball bakit sa series sa Wolves panay sablay
4. Yung dalawang alahoy na tira ni Gobert na pumasok malaking bagay para sa Wolves
5. Semi legit na si Antman, mayabang pero so far meron naman pinapatunayan
6. Sarap manood ng First Thing First lalo kay Gentleman Kevin Wildes ilang beses kasi nya sinabi na "No one is beating Denver in a 7-game series". Tama yung analysis ni Chris Broussard.
7. Great series tambak na nahabol pa, pag ganyang game 7 napaka hirap kumuha ng puntos. Kudos sa Wolves for the comeback sa homecourt pa ng Nuggets na sinasabing mahirap maglaro ang dayo dahil sa altitude factor.
On to the next series, Mavs vs Wolves!
Wala na akong team olats na Lakers at Heat pero parang leaning ako sa Mavs, because of Luka Magic & Kyre pero wala pang championship ring ang Wolves, okay din siguro mapunta naman yung trophy sa team na wala pang championship banner