PinoyDVD: The Pinoy Digital Video & Devices Community

Home Theater => Audio => Setting Up => Topic started by: merdenoms on May 30, 2012 at 09:35 AM

Title: How to hide your speaker wires?
Post by: merdenoms on May 30, 2012 at 09:35 AM
mga gurus, patulong naman po kung pano itago ang mga speaker wires.... ano po bang pwede ikabit sa dingding at tiles para magmukhang sinehan ang dating ng ating Home theater
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: rthirtyfourgtr on May 30, 2012 at 09:53 AM
i use something like this:
http://www.cnaweb.com/racewaywiremolding.aspx

yung ginamit ko around P45.00 per piece (8 feet in length each,) bought from ace hardware. i used contact cement (rugby) for adhesion to the wall.

EDIT:
kung mapapansin mo, sa sinehan you wouldn't really see where the wires run. that's because they use false walls and wiring is hidden within the walls.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: ♡ lvcdg23™ ✌ on May 30, 2012 at 09:55 AM
Pwede po kayo gumamit ng plastic moldings. Madami po nito sa Ace Hardware at Handyman. Available in different sizes.

Sample picture
(http://img.en.china.cn/0/0,0,510,18651,533,400,088fe2ed.jpg)
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: toys4geeks on May 30, 2012 at 09:59 AM
If may cornice ang rooms mo, and may clearance sa foot, puede mo din dun padaanin sa horizontals, then use the moulding for the verticals
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: oznola on May 30, 2012 at 10:17 AM
dami sa gallery dapat mag subscribe sa thread na ito  ;D

glue gun works wonders too  ;)
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: praktikal on May 30, 2012 at 11:20 AM
hindi po ako guru. suggest ko post ka muna larawan ng kwarto mo baka makapag-isip tayo ng paraang praktikal.  ;)
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: toys4geeks on May 30, 2012 at 11:33 AM
dami sa gallery dapat mag subscribe sa thread na ito  ;D


hehehe, sa iba, masarap din na may spaghetti wires sa paanan ng mga HT gears mo, para pag dumaan si misis, may paguusapan kayo ("Gulo gulo naman ng wires mo..." ..etc)  ;D
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: merdenoms on May 30, 2012 at 05:00 PM
hindi pa tapos ang bahay kapatid....mga bandang august pa bago matapos.

to give you an overview:

3.5x6(rectangle) ang laki ng aking kwarto, gusto ko lang sana itago yung wire from amplifier to rear speakers (sa tingin ko magmumukhang may ahas sa kwarto pag nakalagay na ito)

salamat sa mga taong nagbigay ng kani kanilang suhestyon, hindi matatawaran ang inyong kabaitan.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: robot.sonic on May 30, 2012 at 05:12 PM
kung under construction pa, bakit di mo na lang ipasama sa layout? Yung parang sa electrical ng bahay.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: Courage on May 30, 2012 at 06:06 PM
Pwede po kayo gumamit ng plastic moldings. Madami po nito sa Ace Hardware at Handyman. Available in different sizes.

Sample picture
(http://img.en.china.cn/0/0,0,510,18651,533,400,088fe2ed.jpg)

Pano ikakabit to? Like for example concrete? Gagana ba ang glue?
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: toys4geeks on May 30, 2012 at 06:15 PM
Check the one in R1-DVD's HT Gallery, for both speakers and HDMI.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: TOY 01 on May 30, 2012 at 06:29 PM
hindi pa tapos ang bahay kapatid....mga bandang august pa bago matapos.

to give you an overview:

3.5x6(rectangle) ang laki ng aking kwarto, gusto ko lang sana itago yung wire from amplifier to rear speakers (sa tingin ko magmumukhang may ahas sa kwarto pag nakalagay na ito)

salamat sa mga taong nagbigay ng kani kanilang suhestyon, hindi matatawaran ang inyong kabaitan.
Kung di pa tapos pasama mo na Lang pagbaon sa wall tsaka floor para sa speakers tapos gamit ka ng PVC yun medyo malaki para madali mag pasok ng wire.

http://www.monoprice.com/products/product.asp?c_id=105&cp_id=10425&cs_id=1042509&p_id=3997&seq=1&format=2

http://www.monoprice.com/products/product.asp?c_id=104&cp_id=10425&cs_id=1042503&p_id=6907&seq=1&format=2



Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: DTNS on May 30, 2012 at 07:12 PM
wood stapler and carpets.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: jackryan on May 30, 2012 at 08:08 PM
Check the one in R1-DVD's HT Gallery, for both speakers and HDMI.

yes, R1-DVD's set-up is one good reference point for hiding your HT wires...
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: -lee- on May 30, 2012 at 09:50 PM
subscribe lang po, kelangan ko dn magtago ng wires :D
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: oznola on May 31, 2012 at 06:01 AM
tama,since under construction pa lang pala.isama na sa layout yan.also provisions for future upgrades too  ;)
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: merdenoms on May 31, 2012 at 06:53 AM
may sinabi yung friend ko na habang hindi pa nag papalitada, patiktikan ko daw para dun ko lagay yung wires? ano masasabi ninyo dito? eto nga pala yung itsura ng kwarto =)


(http://oi48.tinypic.com/1zcojvc.jpg)

yung amplifier na nasa ilalim ng tv, ikokonekta dun sa likod (bipole speakers) yun yung magiging problema dahil kitang kita nga ang wires.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: robot.sonic on May 31, 2012 at 08:21 AM
Parang mas ok kung yung tv nasa other side sir. Para pag may papasok, hinde nakakaabala.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: Nelson de Leon on May 31, 2012 at 08:33 AM
Naglagay ako ng mababang cabinet sa left and right wall para taguan ng dvds, etc. At the same time, dumaan yun mga wires ko sa ilalim ng baseboard ng cabinet.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: merdenoms on May 31, 2012 at 09:24 AM
sabi naman isang friend ko,pasinsin ko nalang yung kisame at dun ilagay yung wire with PVC. Okay na siguro yun... will post pics nung ginagawang bahay para makapagbigay pa kayo ng mga suhestyon sa aking pangarap. sorry po at bago lang sa mga bagay na ito... sabi nga daw ng mga kaibigan ko parang pang matanda na daw yung hobby ko (25 years old palang kasi ako)

bali ang setup ko pala

yamaha rx-373
wharfedale 10.1
wharfedale 10cs
wharfedale wh-2 bipole
and pilyo sub (piano finish)
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: praktikal on May 31, 2012 at 10:19 AM
madali lang yan kung di pa tapos.

kung tapos na ang buhos sa sahig, sa kisame mo ipadaan para konti na lang ang tiktikin sa pader pababa. tama yun, gumamit ka ng pvc ng mga 2" siguro para madaling i manage ang cables. make sure lang na may alambre o ano mang wire sa loob ng pvc bago fix sa wall para madali ang pagpasok ng cables. this way, itali mo lang sa isang dulo ng alambre ang speaker cables tapos hilahin sa kabila, kasunod nun nakangiti ka na. hth  ;)
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: Nelson de Leon on May 31, 2012 at 10:39 AM
madali lang yan kung di pa tapos.

kung tapos na ang buhos sa sahig, sa kisame mo ipadaan para konti na lang ang tiktikin sa pader pababa. tama yun, gumamit ka ng pvc ng mga 2" siguro para madaling i manage ang cables. make sure lang na may alambre o ano mang wire sa loob ng pvc bago fix sa wall para madali ang pagpasok ng cables. this way, itali mo lang sa isang dulo ng alambre ang speaker cables tapos hilahin sa kabila, kasunod nun nakangiti ka na. hth  ;)

3' na para may abang sa HDMI.  ;)
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: praktikal on May 31, 2012 at 11:13 AM
3' na para may abang sa HDMI.  ;)

Problem lang sa 3" baka 4" lang ang hollow blocks pero pwede na rin tutal vertical naman ang uka nya sa wall pero kung horizontal, ibang usapan na yun. I think 2" pwede na.  ;)
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: merdenoms on May 31, 2012 at 11:55 AM
isa kang alamat sir nelson... buti at nabanggit mo yang HDMI kasi plano ko talagang mag projector pero next 2 to 3 years pa =D lubusin ko muna itong plasma ko... =D
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: Nelson de Leon on May 31, 2012 at 12:13 PM
isa kang alamat sir nelson... buti at nabanggit mo yang HDMI kasi plano ko talagang mag projector pero next 2 to 3 years pa =D lubusin ko muna itong plasma ko... =D

Quote lang kita. Bakit kailangan pang 2-3 years. You can still use your plasma even with a PJ.  ;D Hindi naman all the time gagamit ka ng PJ. Mind you, uulitin mo din sa PJ yun mga magagandang movies na napanuod mo sa plasma mo.  ;) So get a PJ na.  :)

Mag-abang ka na din ng taguan or valance ng screen ng PJ kung mag-roll up screen ka.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: praktikal on May 31, 2012 at 02:12 PM
Quote lang kita. Bakit kailangan pang 2-3 years. You can still use your plasma even with a PJ.  ;D Hindi naman all the time gagamit ka ng PJ. Mind you, uulitin mo din sa PJ yun mga magagandang movies na napanuod mo sa plasma mo.  ;) So get a PJ na.  :)

Mag-abang ka na din ng taguan or valance ng screen ng PJ kung mag-roll up screen ka.

+1M!  :D

Plasma for games and cable

PJ for movies
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: Clondalkin on May 31, 2012 at 02:36 PM
FLAT cable and carpet (kaso mas mahal ang flat cable kesa round), or,

Free access floor, or,

Plastic moulding - you can screw that to the concrete wall instead of gluing.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: merdenoms on May 31, 2012 at 02:51 PM
@robot

dun kasi yung bintana kaya hindi ko dun pwede ilagay yung TV

@praktikal, parang hindi praktikal yang suggestion mo =))) kung meron lang sana akong pera e bibili talaga ako, ang problema, kahit anong hugot ko sa aking bulsa e wala talagang makita.

@nelson
ano bang hdmi version ang 3d ready na sir? medyo mahal din pala ang mahahabang hdmi =(
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: merdenoms on May 31, 2012 at 03:20 PM
sakto at nag text ako sa tito ko kanina na andun sa sight, wala pa daw kisame dahil nagbububong palang..... dun ko nalang padadain sa kisame tapos lagyan ko na rin ng HDMI para sa future pj upgrade...

gusto ko sana i wall mount pati fronts ko, problema diamond 10.1 ang gamit ko na rear ported. meron ba kayong masusuggest na wall mount para medyo may clearance si diamond 10.1 sa wall. ty
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: dencio105 on May 31, 2012 at 03:44 PM
Problem lang sa 3" baka 4" lang ang hollow blocks pero pwede na rin tutal vertical naman ang uka nya sa wall pero kung horizontal, ibang usapan na yun. I think 2" pwede na.  ;)

Pwede rin 2 na 2" para separate yun sa HDMI.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: Nelson de Leon on May 31, 2012 at 09:57 PM
@nelson
ano bang hdmi version ang 3d ready na sir? medyo mahal din pala ang mahahabang hdmi =(

Si Mods Iinas ata may binebentang HDMI 1.4 na.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: toys4geeks on Jun 01, 2012 at 05:26 AM
That was my mistake -- I wired mine with an HDMI 1.3 + rear speaker cables to the ceiling from the floor (wood flooring kasi pede via floor), running on a 1", I'm stuck with it  now that i plan to go HDMI 1.4.

ok ang 2" na PVC (forget flexihose), straight paths ang layout and ask that the joints be scored and use contact cement para walang galaw sa joints come hatakan.

Take pictures before they close the ceiling, para you can go back and review.

Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: praktikal on Jun 01, 2012 at 11:12 PM
+1

also, pagpinasok mo na ang kable make sure na balutan mo kahit ice candy plastic wrapper lang ang (mga) dulo ng kable para mas madulas at hindi masira esp. hdmi. hth  ;)
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: melio on Jun 09, 2012 at 04:17 PM
tsk, tsk... sana hindi ko ito nakita... ang isa pang pumipigil sa akin na magkaroon ng rear eh hindi ko maitatago yung wires...  budget na lang... hehe... ;D

Pwede po kayo gumamit ng plastic moldings. Madami po nito sa Ace Hardware at Handyman. Available in different sizes.

Sample picture
(http://img.en.china.cn/0/0,0,510,18651,533,400,088fe2ed.jpg)
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: oReOsHaKe on Jun 09, 2012 at 04:30 PM
That was my mistake -- I wired mine with an HDMI 1.3 + rear speaker cables to the ceiling from the floor (wood flooring kasi pede via floor), running on a 1", I'm stuck with it  now that i plan to go HDMI 1.4.

ok ang 2" na PVC (forget flexihose), straight paths ang layout and ask that the joints be scored and use contact cement para walang galaw sa joints come hatakan.

Take pictures before they close the ceiling, para you can go back and review.



yong PVC na gamitin ba dapat yong solid lang and not the accordion type?  maalala ko kasi sa present HT ko now, accordion type na PVC ginamit ng contractor ko.. What do you mean by "joints be scored" sir toys4geeks?
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: toys4geeks on Jun 09, 2012 at 04:44 PM
yong PVC na gamitin ba dapat yong solid lang and not the accordion type?  maalala ko kasi sa present HT ko now, accordion type na PVC ginamit ng contractor ko.. What do you mean by "joints be scored" sir toys4geeks?

solid PVC wag accordion, ok yan if one time big time ang cabling mo pero if you plan to pull wires and replace, use the 2" PVC pipes.

Usually pipes and elbows will hold when forced, pero over time, siempre luluwag ang joints sa elbow and PVC pipe. what you need to make sure is you score/scratch with a filer or a lagaring bakal , soak with PVC contact cement ba yun(?) (clear ito, much like what you use for plumbing)

use the orange one and take good brands ng PVC
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: merdenoms on Jun 10, 2012 at 05:32 PM
Entrance

(http://a4.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/301833_10150897983293432_2043435514_n.jpg)

Left Side ( dun na po ilalagay yung tv )
(http://a8.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/s720x720/551858_10150897983143432_1322994058_n.jpg)

sabi po ng karpintero, tig isang wire at pvc para dun sa dalawang rear... bali dalawang magkahiwalay na PVC from front to rear.. tapos dun sa rear sabi nya, maglalagay daw sya ng plate ( yung parang saksakan na kulay orange ) yun ba yung parang extension na kung saan pwede mo isaksak yung speakers with plugs? o nga pala, nagpaabang na rin ako ng projector... gano ba dapat kalayo ang projector sa projector screen? thank you!

Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: jll on Aug 04, 2012 at 02:14 AM
May contractor ba kayo na pwede recommend to help me w/ my unit's set-up (cable management and ceiling/wall mounting)? Nakakalat kasi speaker wires ko sa sahig and pinatungan ko lang ng rag para hindi makatalisod.
Title: Re: How to hide your speaker wires?
Post by: audiojunkie on Aug 04, 2012 at 02:38 AM
May contractor ba kayo na pwede recommend to help me w/ my unit's set-up (cable management and ceiling/wall mounting)? Nakakalat kasi speaker wires ko sa sahig and pinatungan ko lang ng rag para hindi makatalisod.

kung exiting na ang walls at ceiling nyo... pwede ka mag lagay ng acoustic wall panel treatment at dun mo padain ang wiring sa side walls naman pwede ka maglagay ng PVC skirting at kung meron na skirting pwede ka gumamit ng  PVC moulding to run the wires. kung ang wires have to cross the door, pwede ka gumamit din PVD mould around the door jamb/architrave and painted it to match the existing color. Sa ceiling pla at ayaw mong sirain ang kesame, add wood or PVC cornice or moulding to run/hide the cables. HTH    :)