Magka-kontra talaga ang free will and predestination. Choose one. You can't have both.
example:
free will - I studied hard for the exams.
pre-destined - papasa ka.
Kung predestined na papasa ka, mag-aral ka man o hindi, papasa ka. Huwag ka na lang mag-aral, predestined naman na papasa ka e.
Kung predestined na babagsak ka, mag-aral ka man o hindi, babagsak ka. Huwag ka na lang mag-aral, predestined naman na babagsak ka e.
Ang tama, mag-aral ka para mas malaki ang chance na pumasa ka. Dahil hindi nga predestined ang pagpasa o pagbagsak.
Meron talagang predestination sa Bible, at napaka-simple lang intindihin. Pero ang predestination sa Bible ay may ibang meaning, hindi pareho sa ordinary usage.
Napag-usapan din namin ito. Lalo na kung pre-meditated meaning, "pagmamatay na ako, dun ko na lang tatanggapin si Jesus". Sabi nila, depende daw kung in your heart, mind and soul, tinanggap mo sya, even if matitinding kasalanan nagawa mo. Tanggap ka. But then, depende na lang sa sincerity mo. Pero mahirap nga naman maging sincere kung pre-meditated.
Hindi lahat ng kasalanan ay may kapatawaran. Sa Bible, may kasalanan na walang kapatawaran.
Kung hindi mo pa nagagawa ang ganoong kasalanan, puwede kang magsisi pag malapit ka nang mamatay. Gaya ng sabi mo, depende sa sincerity. Tulad ng magnanakaw na pinako sa tabi ni Hesus. Inamin ang mga kasalanan, nagsisi, ayun --- kakasamahin daw siya sa Paraiso.
Yung isang magnanakaw, matigas talaga ang ulo. Mamamatay na nga, walanghiya pa rin.
Pero hindi lahat ay may pagkakataong magsisi bago mamatay. Paano kung natutulog ka, namatay ka sa bangungot.
Malas mo.