Malamang, pero hindi pa rin sigurado.
Yung mga generics manufacturers, usually pare-pareho ang software, pero iba-iba rin ang hardware. Iba-ibang factories, kanya-kanyang assemble ng hardware + software. Ang hardware, hindi lahat ng parts pareho; pero yung software, usually isang version lang.
Sabi daw ng CD-R King staff, Taiwan ito. Hula ko, China generic ito na badged as CD-R King.
Madali lang sa kanila yan, e. Punta sila sa China, pili sila ng generic BD player na walang brand, pili sila ng quality category (class "A", "B", "C", etc.), submit sila ng design ng logo. Bahala na yung Chinese manufacturer sulatan ng "CD-R King" yung player, welcome screen, manual and box.