ang mga susnod na pahayag ay gawa lang ng aking malikot na imahinasyon
nung nagkaroon ng problema dahil tiniwalag yung mag-iina at biglang nagparatang yung isa na iligal daw syang nadetain,biglang nakakuha ng pagkakataon yung mga dilaw para magkaroon ng alas bilang pamalit sa darating na 2016. syempre inutusan yung pang 5 sa grupo ng mga dilaw na "imbistigahan".
nung itiniwalag na din yung nagsasabing na "house arrest" daw sya, naisip na eto na ang pagkakataon para merong piyon na gagamitin sa chess game. ang game play? suportahan ka namin sa kaso mo para mapilitang makipag-areglo yung kabila kapalit ang "2016"
.
kung ako ay isang tao na nag-aambisyong maging pulitiko babanggain ko ba yung isang grupo na alam kong malaki ang tsansa na mailuklok ako sa senado? syempre hindi, pwera lang kung inutusan ako. pero paano nga pala ako magiging senadora kung hindi nila ako isasama sa line up pag hindi ako sumunod sa mga pinag-uutos?
: D
kaso ang siste hindi pumayag yung isang panig sa gustong laro ng mga dilaw na palitan ng "piyesa" kaya eto na napurnada na. napasubo na yung pang five,sakto pa naman eh nagpahayag na pagkatapos ng J ay sa S naman daw sya.
eto ngayon, sinasamantala na nung mga itim ang sitwasyon,syempre kailangang kampihan para makuha ang 2016.
sayang akala nung mga dilaw gagana yung pain nila,pero hindi kumagat kaya eto ngayon sasamantalahin na nung itim ang sitwasyon hehehehehe. ang ending? pag naisipan ni ERAP na kumandidato humanda tayo hahahaha. wag nating kalilimutan na nung nakaraan, kung hindi yung dilaw ang binoto ng kabila eh malamang hindi Mayor si Erap ngayon ng Maynila.