mga bossing, kanina nag ikot ikot ako sa raon para makakuha ng first hand info. kaso mailap yung phonic, ang common ay yung trident at mga china na nag rarange sa 3500-5500. ang explanation sa akin yung mga kasama na usb input ay parang player na daw kaya may katabi na botton nga next play back.
tama po parang may built-in mp3 player ka na pag may usb option, pero kailangan mo ba talaga noon? I mean, kung pang videoke po eh useless feature yun para sa atin.
kaso yung daw mga mura na mixer either "peke" yung effects or konti yung dsp effects?
madami hawsyaw na mixer sa raon, kung ano-ano naka label pero ayun pala "group" efx. ibig sabihin nakalista yun reverb 20 naka-print na label pero you can only select 1.
loko-loko ano?
nag iisip din ako na mag mixer .. tama po ba yung hyundai videoke player going sa mixer rca "in" sa rca out naman going sa onkyo avr ko?
tama po. minsan hindi RCA jack ang line inputs, kadalasan ay phone jack which accepts 1/4" phone plug. kasi pwede ka mag balanced connection (using TRS, tip-ring-sleeve) or unbalanced connection (using TS, tip-sleeve) kung gusto mo pero I suggest na mag unbalanced ka lang unless pagkalayo-layo ng interconnects mo. useless din naman mag balanced kung ilan metro lang ang layo ng ICs.
tama po ba na bukod sa magkakadagdag ng ganda sa vocals effects.
tama po na makakadagdag ng ganda (kung maiayos mo ang settings ng tama o naayon sa panlasa mo)...
may konti din protection ito para sa speaker kasi kaya nito may filter excess sounds same sa feedback at clipping ?
ay mali po sir, wala po kinalaman yun mga filter (tone/EQ), sa feedback at clipping at hindi po ito nakakapagbigay ng protection sa mga speakers.
actively, kailangan pa po ninyo ng gate/compander o feedback destroyer. pero since masyado ma magiging komplikado, maari po ninyo tabasin yun highs dahil doon po kadalasan nag trigger ng feedback. sa clipping naman po siguruhin niyo lang na mag blink lang yun clipping detector sa mixer kahit magsisigaw ka pa sa mic. medyo trial and error po iyan pero tiyak na madadali niyo din naman ang tamang settings.