may Konzert amp and speakers ako pero nung na demo ko yung speakers na Kevler sa same ng Konzert amp ko sa mall parang mas angat yung Kevler speakers mas klaro yung tunog nung side by side ko i-demo sa store, yun nga lang kabibili ko lang nung Konzert speakers nun kaya di makahirit magpalit palo abutin ko dun.
Pag dating sa tunog im a firm believer na subjective sya eh.ako naman nag pa demo ng kevler amp with kevler speaker nanipisan ako sa tunog nya. ilang buwan din ako balik balik para makinig ng konzert amp with konzert speakers and kevler amp with kevler speakers pero naninipisan talaga ako sa tunog nya.
Mas malaki sana kamurahan ng kevler at mas maganda ang itsura but in the end mas nagustuhan ko talaga ang konzert not to mention mas readily available sa mga tindahan dito sa malolos bulacan
may nag suggest sa akin trident sn u90 na wireless mic kaso wala ako alam kung san mag pa demo
Sent from my F3216 using Tapatalk