Nga pala,
warning lang sa lahat (especially sa mga first-time buyers) ng dvd player, ingat kayo sa pagbili dahil napansin ko lang na nagkalat ngayon ang mga fake na Nextbase sa mga stalls jan sa Sta. Cruz/Quiapo area ganun din sa mga malls (kadalasan stall ng mga kapatid nating Muslim-no offense meant), halatang fake dahil yung badge/logo e halatang ja-fake at ikinabit lang dun sa mga player na questionable ang pinanggalingan at imagine patung-patong ang mga display nila (saan kaya galing mga ito-Malaysia? Indonesia? China?
) at nagaya na rin nila pati warranty card ng Techpoint
. Isa sa mga paraan para mapatunayang genuine yung bibilhin nyo e look for the hologram seal sa side at tingnan ang build quality saka yung model na hindi naman naglalabas ang Nextbase. Ganun din naman na bumili lamang sa mga store na authorized/kilalang retailer ng Nextbase (Watson, Western, SM, Ambassador, etc.) at laging humingi ng official receipt.
Ewan ko lang kung may napansin na rin kayong mga ganito. Basta ingat lang. =)