Sa totoo lang, panget ng ginawang script ng ABS for Navarro. May mga loopholes.
Sa tingin ko yung kuwento ni Vhong ang credible, at yung kuwento ng kalaban niya ang incredible.
Sa side ni Vhong, aminado siyang pinatulan niya si Deniece, although wala daw intercourse. Puwedeng may nagselos at nayabangan kay Vhong, sinetup para makaganti, sinabayan na rin ng extortion kasi kung gaganti na rin lang, e di sulitin na...
Wag bumilib sa mga mayaman kuno, pero sa lakas gumastos, lagi palang walang pera, batbat pa ng utang sa credit card.
Sa side naman ni Deniece:
1. Invited si Vhong sa condo ng dis oras ng gabi. At hindi first time ito, ha. Second time na. Tapos rape daw. Parang yung mga Maria Clara kuno, Manyak Clara pala.
2. In the act of raping, tamang-tama nandoon yung isang barangay ng goons na bubugbog kay Vhong. Sakto ang timing ng magliligtas sa bida, parang 1970s pelikulang Pinoy.
3. Marami talagang ayaw magreklamo ng rape kasi nahihiyang malaman ng iba ang nangyari sa kanya. Pero si Deniece, bakit ayaw magreklamo ng rape? Kung nahihiya, bakit pumunta sa presinto at nagsalaysay ng rape? E di nabulgar na rin.
Di ba malabo? Ayaw mo palang magkaso ng ng rape, e di sana tumahimik ka na lang. Ano ginawa? Ayaw magreklamo ng rape, pero pumunta sa presinto para magsalaysay ng rape sa blotter at sabihin na hindi siya magkakaso ng rape. Sandakot na sinungaling.