mine is green blob free as of this writing. pero according to AVSForum, na madedevelop sya after a while sa panel mismo kasi yung problem kaya di kaya ng firmware fix, kaya mas maganda wag nyo hanapin para di kayo aware na meron (sana wala). just enjoy the TV itself
Wag mo nang intindihin yon sir. If you don't see it, OK na yon.
Wala nang perfectly uniform plasma screen ngayon. Kahit yung 2012 Panny plasmas such as the ST50, wala na raw green blob, pero may nabasa ako sa avsforums, meron pa rin --- very slight na lang, pero meron pa rin. Kahit yung Sammy 2012 na sinasabing perfectly uniform daw kuno, meron ding DSE yung akin --- also very slight, pero meron pa rin.
Hindi naman ako super OC sa DSE. Kaya lang, I know what a truly uniform plasma screen looks like. My first plasma was a 2006 Japan-made 480p Panasonic that did not have any DSE at all. May na-download na akong Evangelos break-in DVD noong panahong yon, kaya na-test ko sa white and color slides yon noong 2006.
PS. Bitin ang 42" sana nag 50" na ako
Hindi mo ba alam sir, ang TV ay dahan-dahang lumiliit habang tumatagal?
Kung nag 50" ka, sasabihin mo naman, sana nag 55" ka na lang.
Kaya wag mo na ring intindihin yon. Just enjoy your movies. Isipin mo na lang yon pag dumating na ang panahon na gusto mong mag-upgrade, maybe in 3 to 5 years.
Guys, sorry if this is a stupid question.
I have a 42VT30. When I played 3D mkv movies, nag stutter cya. So I guess hindi cya compatible? I've already tried two 3D movies so I guess the internal media player is the culprit.
So now, I'm in a lookout for a best value NMT. Does it have to be a 3D capable NMT? Ano yung ma recommend nyo. (Sorry if this is an OT already).
Normal lang na pumapalpak ang built-in media player. Kaya nga usong-uso ang external media players, kasi hindi maasahan ang mga built-in.
It doesn't have to be a 3D-capable NMT. The NMT will play SBS movies as is, and the TV will do the job of converting the SBS to 3D.
However, mas maganda pa rin ang 3D-capable NMT, para pati yung menus and other graphics ay readable. Kasi pag hindi, yung movie mo lang ang 3D. Lahat ng user interface ay hindi mo mababasa kasi magiging magkapatong na side-by-side images.