How do you take control or manage anger? Is it related to our heart? What's your view of our heart?
Hindi naman laging masama na magalit. In fact, may pagkakataon na dapat ka ngang magalit, at nagkakasala ka pag hindi ka nagalit.
May anger na tama at may anger na mali.
Yung galit na mali, is it related to our heart? Yes, of course. The anger came from within yourself. Sabi ni Hesus:
20 He went on: “What comes out of a person is what defiles them. 21 For it is from within, out of a person’s heart, that evil thoughts come—sexual immorality, theft, murder, 22 adultery, greed, malice, deceit, lewdness, envy, slander, arrogance and folly. 23 All these evils come from inside and defile a person.” (Mark 7:20-23) Ano ang utos tungkol sa galit na mali?
21 Ye have heard that it was said of them of old time, Thou shalt not kill; and whosoever shall kill shall be in danger of the judgment: 22 But I say unto you, That whosoever is angry with his brother without a cause shall be in danger of the judgment: (Mt. 5:21-22) Bawal magalit, pero dito naman, utos na magalit:
26 Be ye angry, and sin not: let not the sun go down upon your wrath: (Eph. 4:26) The NIV translates this as "In your anger do not sin." But the Original Greek word used was "ὀργίζεσθε" ("orgizw," pronounced orgid-zo) --- Strong's Number G3710, used as a verb in the imperative mood. Therefore, the correct translation is "be angry," not "in your anger."
http://interlinearbible.org/ephesians/4.htm http://www.blueletterbible.org/lang/lexicon/lexicon.cfm?strongs=G3710http://www.biblegateway.com/passage/?search=Ephesians+4&version=YLT Bakit dito, utos ang magalit? Kasi ito ay galit na tama.
Kung ang kapatid mo ay ulit-ulit na binubugbog ang kanyang asawa, dapat ka bang magalit, o huwag ka na lang makialam kasi away mag-asawa lang yon?
Dapat kang magalit. Utos nga iyon e.
Pero ang sabi, "Be ye angry, and sin not." Therefore, dapat kang magalit sa ginagawa ng kapatid mo, pero huwag mo siyang pukpukin ng martilyo sa ulo, kasi ang sabi, "sin not." Pagsabihan mo. Magagalit sa iyo yon, siyempre. O kaya tulungan mo yung asawa na magreklamo ng Violence Against Women. Lalong magagalit sa iyo yon. Pero tungkulin mo yon bilang mabuting Kristiyano.
E di puro away ang idudulot non? Ganon talaga. Kaya nga ang sabi ni Hesus, hindi kapayapaan ang dala Niya kundi isang tabak:
34 “Do not suppose that I have come to bring peace to the earth. I did not come to bring peace, but a sword. 35 For I have come to turn “‘a man against his father, a daughter against her mother, a daughter-in-law against her mother-in-law— 36a man’s enemies will be the members of his own household.’ (Mt. 10:34-36) Katunayan lang na hindi masamang magalit kung ito ay righteous anger ng Diyos.
Shabu addict ang tatay mo. Sisitahin mo, o hindi ka na lang kikibo para walang away? Sisitahin mo siyempre. E di mag-aaway na kayo. Ganon talaga. Sa ganong sitwasyon, tabak ang dala ni Kristo, kasi hindi maiiwasan na mag-aaway ang mga miyembro ng pamilya pag sumusunod sa Diyos ang isa at sumusunod naman sa demonyo yung isa.
==========================================
So ano ang dapat gawin para ma-control ang galit?
This is one of my favorite verses, yung sa kanta ni Basil Valdez:
28 “Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. 29 Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. 30 For my yoke is easy and my burden is light.” (Mt.11: 28-30) Ang sabi, kung napapagod ka, lumapit ka kay Kristo, at bibigyan ka Niya ng kapahingahan. Pero ang sabi rin, bibigyan ka Niya ng pamatok na madali at magaan. Akala ko ba pagpapahingahin, e bakit may bubuhatin pa rin na pamatok?
Ang papasanin na pamatok ay ang utos ni Kristo. Ano ang utos sa anger? Bawal magalit kung hindi righteous anger ng Diyos. Utos ni Moises, huwag kang papatay. Pero ang utos ni Kristo, hindi lang bawal ang pumatay, bawal ding magalit sa kapatid, at pag nagalit ka sa kapatid, you are in danger of the judgment.
Ano ang konek ng murder sa anger? Kasi sa anger nag-uumipsa yan. Habang tumatagal ang galit, lumalaki nang lumalaki, hanggang sa mapatay mo na siya sa sobrang galit.
Mahirap bang pigilin ang galit? Hindi. Pag nagalit ka, ikaw rin ang mapapagod at mahihirapan. Pag wala kang galit, peaceful at kalmado ang isip at kalooban mo.
Kaya nga kung pagod ka na sa madalas mong galit, pasanin mo ang utos ni Kristo na bawal magalit, at ikaw rin ang magiginhawahan. For His yoke is easy and His burden is light.