Yes, mainit na dito hehehe.
Matanong ko lang kung alam nyo ito:
Nadaan ako last tuesday sa Videocity...baka may sale. Magpaparent din pala sila ng DVD pero konti lang. Meron din mga Tagalog DVD. Mejo malikot din mata ko, nakita ko isang movie ni Diana Zubiri. Nakita ko sa likod ng cover nya may dts!!! Nagmember ako kaagad para mahiram ko...para malaman ko kung may dts talaga. Nang i-play ko sa bahay, dolby digital stereo lang pala. 192 kbps pa na sobrang baba compare sa standard ng dolby n more than 200kbps. Kaso yung dts logo na ginamit nila sa label. Original Video pa ha, pinagbibili nila ng mahal. Wala ba sila nilalabag dito? Kasi dapat may agreement and Movie Studio at and DTS Incorporated para gamitin ang logo?