bro onkyo,
salamat po sa inyong tula,
hindi naman talaga ako ganun kagaling sa paggawa ng kahon
sa tingin ko mas marami pa dito sa forum mas magaling keysa saken
nagkataon lang meron akong mga gamit sa woodworking para maging totoo ang mga iniisip ko (dito sa mga gamit na ito ang malaking gastos
)
pero kung titingnan ang box sa malapitan hindi ito perpekto at siyempre meron pa rin akong mga hindi pa alam
ang totoo first time ko ito na ako ang gumawa ng box, yung una ko kasing sub ako ang nagdesign pero pinagawa ko lang sa shop ni bro earl estrera
pwede nyo po ma-audition ito pero sana kapag tapos ko na ang room ko
marami pa kasi ako gusto gawin na ibang projects tulad ng dvd rack, diffusers, speaker stand at karagdagang broadband absorbers
ang problema ay mabagal talaga akong magtrabaho, pakonti konti lang talaga. Minsan bumibili ako ng 2 canister ng clear gloss lacquer at ito'y sapat na para sa isang linggo. Installment kumbaga.