sir barrister, kung ikaw pipili, Panny 65vt60 o Sammy 64F8500?
Natanong ko lang kasi I am having this itch to upgrade from Panny 60ut50, I am a Panasonic fan, pero what I've read is nanalo though by slim margin yung Samsung over Panasonic. Also dito sa lugar ko, cheaper by almost 1k dollars yung Samsung.
For me, Sammy. Nasa Philippines kasi ako, at bano ang marketing ng Panny sa Pinas, kaya malamang palpak din ang service.
Pero dahil nasa abroad ka naman at mukhang ok ang Panny sa lugar mo, ok lang kahit Sammy o Panny, depende sa preference mo. Bigyan na lang kita ng guide.
Yes, panalo ang Sammy sa 2013 VE shootout with a very slight lead. But remember, dalawang voting groups ang ginamit doon. Sa
audience votes, panalo ang Sammy by 0.2 point; sa
experts' votes, panalo naman ang Panny, but only by 0.1 point. Considered winner nga ang Sammy using the audience votes, pero panalo rin naman ang Panny using the experts' votes.
http://reviews.cnet.com/8301-33199_7-57584396-221/samsung-f8500-plasma-wins-value-electronics-shootout/ Either way, sobrang liit lang ng lead. Ewan ko kung may significant and observable difference nga in real-world usage.
Sa color accuracy, traditionally mas magaling ang Sammy, pero this 2013, halos pareho na lang sila. Mas magaling pa nga ang Panny, according to the experts' votes.
Ang malaking contribution sa Sammy score ay yung brightness level. Sammy ka na kung importante sa iyo yon.
Pero kung importante sa iyo ang black levels (at talagang importante nga ang black levels), Panny dapat ang choice mo. Lalo na kung may dark room ka naman. Besides, sanay ka na sa Panny, so sa tingin ko mas bagay sa iyo ang Panny.
Ang wala diyan sa shootout ay yung fan noise na nababasa ko sa forums. May mga nagrereklamo sa ingay ng cooling fans sa Panny. Isa pang problema sa cooling fans, pag nag fail ang fan, siguradong may masisira sa TV. Ang Sammy, walang cooling fans. For me, advantage ng Sammy yon.