Ah ok. Hindi pa rin nasasagot iyung tanong ko tungkol sa isasagot sa lumikha sa atin lalo na sa mga taong hindi naniniwala.
Ano point sagutin ang omniscient na deity? Alam na nun kumpletong reason ng mga di naniniwala kung bakit di sila na-convince. (Mga pre, hirap purong Tagalog haluan ko English a. Kumbinsido ba tagalog ng na-convince? Limot ko na grabe.)
At bakit nga ba mas maraming naniniwala kesa hindi?
Mas madalas manganak mga religious. Well documented yan sa mga studies. Tignan mo sa google scholar "correlation of religiosity and fertility" kung ilang studies may nakitang positive correlation. (Wag sana isa-isahin lang, tignan yung trend at pagiging cross-cultural)
Tapos dati pinapatay pa mga di religious.
Grok: "Ha? Kainin na lang kaya natin? Tingin ko la kinalaman pag-aalay natin ng sabre-tooth tiger na to sa kaligtasan ng-- *SPLAK*"
Ugk: "Wah! Baliw si Grok, di naniniwala! Sibatin yang demonyong yan!"
Kung may religious gene*, genetic bias level 99 lang.
*Di kailangan na sa religiosity mismo. Pwedeng indirectly galing sa personality type o ano. May mga studies na naghanap ng correlation sa IQ at religiosity kelan lang.
Tingin ko di magandang example ang China. Pwersahan pagiging secular nila. Japan o United Kingdom (except North Ireland) walang tulong sa gobyerno pagiging non-religious nila.
Pero mismo sa bukang bibig ng mga tao doon naniniwala sila sa Diyos o sa may nakakataas na kapagyarian na puwede natin ihalintulad sa Diyos. Bakit nga ba?
Ok sana yun kung Deist ka. Kaso Kristiyano ka diba? Iba diyos ng mga Chinese. Sa OT pinapatay ng mga chosen people ang may ibang relihiyon.
Verse 16.
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Deuteronomy+20Ano ba mas mali? Ang di maniwala o ang magkaron ng sobrang ibang paniniwala?
Habang nandun na tayo sa chapter na yun, bakit di exempted yung mga bata na nakatira sa chosen land? Yung mga nasa malalayo, ginawang slaves naman (Verse 14). Bakit di na lang din gawing slaves yung mga batang Hittites, Amorites, Canaanites, Perizzites, Hivites and Jebusites? O kaya kausapin na lang para magbago ng religion para la na problema.