and thread na to ay ginawa para po sa mga myembro ng INC nung 100 anniversary para magkabatian kahit dito sa forum lang,nagkataon lang na nung nagkaroon ng malaking issue nung nakaraang taon ay dito pa din nag popost ang mga hindi kasapi para magtanong kung anong nangyayayari at malugod namang sinasagot ng ibang mga myembro base sa kanilang kaalaman,nakakalungkot lang na may mga ibang tao na kung magsalita at mag paratang ay ganun na lang na para bang alam na alam nila lahat ng mga pangyayari gayung hindi naman sila kaanib at hindi din naman nila alam kung ano ang doktrina na sinusunod namin.
ngayon po kung gusto nyong magpatuloy na pag-usapan ang aming relihiyon, mabuti man o masama ay hindi po namin kayo pinipigilan doon, ang isang pakiusap lang namin ay sana po gumawa na lang kayo ng bagong "thread" at doon nyo po pag-usapan kung ano man ang gusto nyong pag-usapan. kami po ay gusto naman naming malaman ang katotohanan kaya naghihintay kami kung ano kahihinatnan ng mga kaso. konting respeto na lang po sa gumawa ng "thread" na ang layunin nya ay dito magkausap usap,magbatian at magbahagi ng mga kaganapan sa loob ng INC. siguro naman po ayaw nyong mangyari sa inyo na sa loob mismo ng bahay nyo ay kung ano anong masasamang salita at paratang ang ibinabato sa inyo ng mga "bisita" nyo.
salamat po sa mga nakakaunawa.
So close this thread and move to the new one?
However, IMHO to keep this as a private folder for INC members only in principle, doesn't seem appropriate too given that the forum sections are for general public postings for all members of pinoydvd regardless of religious beliefs.
Anyway, enjoy the weekend everyone!