I think wala talaga sa church doctrines nila yun. Or baka meron sa by-laws nila re purchasing.
Kung violation ng church doctrines ang problema ni Angel, e di linawin niya na violation of church doctrines ang issue.
Kaso hindi ganon. Corruption talaga ang sinasabi ni Angel.
"Hindi naman po sa kabuuan ang kurapsyon e. Nasa iilang tao lamang po ang gumagawa ng kasamaan at 'yun nga po ang sanggunian," he said, adding that his camp will release evidence in the coming days.
According to Manalo, the corruption allegedly involves the construction of the Philippine Arena in Bocaue, Bulacan.
"Napakalaki na po ng maintenance cost po nun. Nahihirapan ang mga kapatid kakaabuloy, karagdagang abuloy," he said.
http://www.gmanetwork.com/news/story/529478/news/nation/angel-manalo-slams-two-iglesia-ni-cristo-officials-for-corruption Palagay na natin na malaking gastos nga.
Kung ang reklamo mo ay malaki ang gastos, e di ang reklamo mo dapat ay mali lang ang business decision. Hindi siya dapat lumundag agad sa corruption.
Bago niya sabihing corruption, ipakita niya na may nagbulsa ng pera, may tongpats, may personal na kumita. Hindi yung malaki lang ang gastos, corruption na agad ang bintang.
Bakit ba siya itiniwalag? Dahil naglabas siya ng video na sinasabing nasa panganib daw ang buhay nila.
Kung nasa panganib, dapat lumipat siya sa safehouse. Hindi daw siya hostage, hindi rin siya nakakulong. Pero hindi man lang umalis ng bahay, paano ka namang maniniwala doon.
Natawa nga ako nung tumatawag ng people power habang nakadungaw sa opening ng steel gate. Ang sabi ni Angel, "Huwag po tayong matakot." Paano namang lalakas ang loob ng tinatawagan, huwag daw matakot, e siya nga itong hindi man lang makapagbukas ng gate kahit sa pulis, NBI, mayor Herbert, etc., ok na sa kanya ang dumungaw na lang sa bintana...
Tapos yung karatula na nagsasabing hostage daw sila, sabi niya may bata lang daw na nagbibiro. Pero kung titignan mo yung kamay at braso ng humahawak ng karatula na ayaw magpakita ang mukha, obvious na hindi naman bata, mukhang gayut na...
Mas believable nga ang official statement ng INC --- Angel wants control of the finances of the INC. Hindi pinagbigyan, ayun, gumawa ng kasinungalingan.