sa mga naperwisyo sa trapik sa NLEX, pasensiya na po kayo,nakipag coordinate po ang INC sa lahat ng kinauukulan(NLEX/MMDA/PNP/LGU etc etc) para maiwasang magkabuhol buhol ang trapik, ngunit sadya lang pong madaming sasakyan ang dumating at hindi po namin inaasahan dahil na din siguro sa gustong patunayan ng mga miyembro ng Iglesia na hindi kami nagkakawatak watak sa ngayon dahil sa krisis na aming kinakaharap kaya po minabuti nilang dumalo sa pagtitipon, pinagbawal na nga po ang mga kotse na kokonti lang ang kayang isakay kumpara sa mga bus at jeep.
may mga kaibigan ako na dadaan sana sa lugar na yun at buti na lang naisipan nilang magtanong sa akin nung araw na yun kaya naipayo ko na imbes na sa NLEX sila dumaan ay mangyaring sa Mc Arthur hiway na lang at paglagpas ng bocaue maluwag na ang NLEX.
uulitin ko po pasensiya na po sa mga naabala at sa susunod na taon ay pag-aaralan pong mabuti at gagawan ng paraan para hindi na maulit ang ganitong sitwasyon.