Hello folks.. newbie po ako dito..
Konting background lang.... Ive had 3 DVD players (plus 2 sa parents and sis ko).. 2 of them nasira na, and the one i was using cant play a lot of discs i buy or borrow from my friend. Been meaning to get a new DVD player for a while now, and narinig ko sa mga chatmates kong taga U.S. na meron daw DivX capable DVD player... hanap ako ng hanap kung meron nyan dito sa pinas, dami ko ng stalls natanungan (divisoria, sta cruz, tiangge sa malls, greenhills, etc) WALANG may alam ano ba itong DivX na pinagsasabi ko... akala ko sa US pa lang meron nun at pinagiisipan kong magpabili ba sa kamaghanak sa US/HK or bili na ko dito ng regular player lang.
This Saturday, bigla kong naisipang mag Google at nahanap ko nga itong PinoyDVD.com... wow!! meron pala nito dito!! I surfed till 2:00am nung Sat (Sun na pala) at Sunday pm sugod na kami ng friend ko sa Raon Shopping center.. sa Hopestar. Sabi nga duon ng girls (btw, tama pala sabi nyo, maganda nga saleslady duon!!hehe
) e may kakabili lang ng 2 unit ng lexing at dami rin dalang DVD na pang testing (like me). Taga rito din ba kaya yon? hehe.. si Valek Sunday din yata bumili.. what time ka nandoon pare? ako mga 2-3 pm..
Anyway.. mini-review and sabay tanong na rin po ako..
Nagdala ako ng ilang DVDs for testing. These are either ayaw mag-play or may diprensensya sa pag-play sa old player ko (but tested na working either nung binili ko sya, or napanood naman sya sa GANZKLAR player ng friend ko..) At syempre nagdala rin ako ng ilang Divx files..
This is the result of my TESTING, ROUND 1 (in the store)
* DivX works flawlessly, at kahit na sa loob ng folder nd CD e mababasa nya..
* DVD (Oceans 12) that my old player cant read, di rin kaya ni Lexing...
* DVDs na may errors/pixelations/nagstastall sa mga later chapters (70% w/in the movie.. nabitin nga ako e) nag work! Nabasa nya and i can now finish watching them...
* DVD na may 15 chapters/episodes.. 3 chapters lang working sa player ko, nababasa na ni Lexing (although di ko tinest all 15 chapters.. majority played na, kaya lang yung iba e pixelated and parang nag-eerror na.. hopefully makuha sa fast forward na lang)
So ok na , i bought the unit already but i wished it played sana lahat ng test dvds ko..
Pagdating sa bahay, meron pang TESTING, ROUND 2...
* First, I tried more Divx files.. ok na ok talaga! Pero i tried ayaw nya Quicktime and WMV files. Pwede MPG files. And may isang disc ako mga Justice league 4 out of 5 na play nya, yung isa audio lang lumabas. (siguro sa codec na ito)
* Second, nagplay kami ng games ng anak ko (aba, natuwa rin sya kahit na 1985 pa pala mga games na ito e considering sanay sya sa mga bagong 3D games sa PC.. hehe)
* Next, I tried other DVDs na di ma-read ng old player ko, di pa rin ma-read ni Lexing.. (one is Monster in Law)
* Tapos.. AND HERE AKO NAGKAPROBLEMA.. try ko uli yung mga dinala kong DVDs sa shop na ok naman doon.. ayaw ng ma-read ni Lexing ngayon!! Error disc na ang labas! mas grabe pa sa dati kasi yun e mapapanood mo pero mabibitin ka lang.. what happened?
Try ko other WORKING DVDs ko.. , ayaw na rin!! akala ko tuluyan ng nasira.. pero nagtry naman ako ng iba e pwede.. ang gulo... siguro nadumihan kaya yun dahil pinilit kong iplay yung mga dati kong unplayable? or dahil sa games and divx files? i dont know.. e di ko pa mahanap yung dvd cleaner ko..
I tried again, ilan beses kong labas-pasok mga discs.. tapos mamaya e yun, ok na uli lahat!! ang gulo...
Round 3 of testing...
* ayaw nya talaga sa Oceans 12. Pero yung Monster in Law, kakapilit ko yata e napa-play ko rin sa wakas.. pero medyo may tama yata (although sabi sa nanghiram sa amin e ok daw sa kanya.. this is a different friend from the GANZKLAR owner so malamang e ibang player gamit nya)
* Na encounter ko rin once or twice yung may nagsasabing nag "trip" sya.. bigla na lang nag-stop. I tried to use TIME din, pero mas madali e nag chapter select nalang ako at tinuloy ko na lang.
* I tried a Lemony Snickett DVD na dati e 5 minutes pa lang sobrang error na.. nagstastall. Sa Lexing lumagpas sya naman ng 5 minutes..tapos .later certain points e nagstustutter na (parang nag frefreeze frame-andar, freeze-frame andar..) Ginawa ko, I paused. Tapos Play uli.. bumalik sa normal speed. Did this several times until later e parang may err pa rin.. di ko na tinapos since testing phase pa ako...
CONCLUSION:
Sobrang tuwa ko sa pagkadiscover sa PinoyDVD.com and i learned a lot.. parang nag-cram ako sa exam kasi nilamayan ko talaga ng isang gabi lang ang mga threads dito. Gusto ko sana sa BestSeven or Nova kasi ang reviews doon e it can take anything you throw at them.. Warped DVDs, DVD-R, scratched discs, etc.. yun bang feeling ko e it can play lahat nitong problematic DVDs na triny ko.. the only drawback is.. di sila DIVX capable. E gusto ko talaga may DIVX player, investment for the future dahil balak kong mag-DSLl one of these days...
Sayang, sana may player na kasing astig ng mga NOVA na yan pero DivX capable.. (binibida nga ng friend ko yung GANZKLAR nya 1 year old na but can play anything.. pero feel ko nga e mas maganda pa siguro kesa GANZKLAR yung mga BestSeven and Nova na yan..)
Ok na rin sa akin ito siguro.. I will test this further this week. So far e puro testing pa lang ako at walang pang pinapanood na full feature film from start to finish... sana fluke lang yung time na biglang ayaw magplay ng maraming discs na natest kong ok naman dati.. Maybe nadumihan lang yun? what do you guys think? tsaka bakit yung ibang DVD e ayaw talaga? Wapred disc kaya ito?
Re: yung 5.1, DTS, etc.. im not much of an audiophile and wala naman akong 5.1 surround. So i probably wont know what im missing... Nakakabit lang sa stereo na may woofer , pwede na ito sa akin..
and btw impressed ako ha, meron pa la syang 3D feature na may equalizer pa.. parang Winamp..
Sorry for the very long post (1st time ko pa naman).. excited lang ako sa bago kong player.. hehe
Thanks to all and goodday !
P.S. may isa lang pala akong complain sa Remote Control.. bakit walang off button? Kailangan ko pang tumayo tuloy para ipatay ito...
P.P.S.. oo nga pala.. ok na bonus itong Radio and built in speakers.. ang tagal kong hinanap sa front panel and remote control.. di ko makita... wala rin sa manual ang instructions. Yun pala e nasa likod ang switch.. ehe he he..